Friday, December 7, 2012
sorry
Posted at December 07, 2012
1 comments (+)
friendships always be proven by trials and problems.
lately lagi akong nag hehelp out kay carene sa recep. area. by that time na maraming candidate. ok naman mag help out sa kanya kasi yun naman talaga yung work load ko . pero since stress yung isa may time na nag aatittude xa at magagalit sa akin. mabilis akong mataranta lalo na kapag maraming tao tapos may time na nangarag pa ako dahil sa pressure ni carene. kasi naman magulo din naman xa minsan actually natataranta din naman xa pag sobrang tao.
nagsorry xa one time kasi parang nasigawan nya ako kasi yung local berlitz ayaw pumayag na mag interview kasi may next sched na daw xa. well kasalanan ko naman kasi di ko napansin yung isa pang candidate na nakapila.. may time din naman na nakakahurt na xa at na nakakapikon parang bang don't make me feel stupid. after all pwede naman mag usap ng maayos. saka di ko naman sinasadya if ever maka gawa ako ng kasalanan. sa sobrang inis ko din minsan parang gusto kong ihampas yung mga resume sa kanya hahaha buti na lang kahit paano ayaw ko xang patulan kasi mag kaibigan kami at mahalaga xa para sa akin. i believed that she feels the same way
recently, she advised me to use the slip that she made just to make our tracking system easier. well ok naman nag explain ako sa mga validator kung anu yung gusto iemplement ni carene. based sa pag kakaunawa ko ayaw nila kasi super hassle sa part nila. naisip ko naman na mahirap din sa part namin lalo na pag maraming candidate. kaya sabi ko na lang sa isang corner na lang nila ilagay yung mga details para di rin kami mahilo sa pag ttrack. yun nagalit si carene kasi di nga nasunod yung gusto nya. minsan ang hirap nya intindihin since babae xa hahaha super impulsive at bossy. lakas ng personality which is unhealthy somehow. anyway nagvoice out kasi ako kay ace regarding doon. i don't have any idea na mag bad mouth against carene, gusto ko lang malaman kung anu dapat kong gawin kasi nga galit xa. well ok na naman, kasi nag sorry xa dahil dun sa inasal nya sa amin :) well i know carene more than to anyone. kaya naiintindihan ko naman xa at lagi kong pipilitin na unawain xa since mag kaibigan kami. well sana ganun din xa para sa akin. :)
"minsan may mga bagay na dapat nating intindihin at unawain ng ilang paulit para mas makuha natin kung ano ba talaga yung gusto niyang ipahiwatig. di naman masama ang makinig at magsalita pag binigyan tayo ng pagkakataon basta maidadaan sa magandang paraan na walang nasasaktan or masisirang relasyon"
Labels: friendships, problem, work