Thursday, September 26, 2013
Random thoughts: paano ba magiging masaya?
Posted at September 26, 2013
1 comments (+)
Paano ba magiging masaya? kadalasang tanong ko sa sarili ko. sa mga oras na walang magawa, yung tipong matutulog ka sa gabi. pag pikit mo at pag dilat dahil di ka makatulog. at yung pakiramdam na minsan malungkot ka pero di mo naman alam ang dahilan kung bakit. at bigla mong matatanong na paano ako sasaya?
confused yung feelings na, unknown? di mo alam? may hinahanap ka? paano? bakit? magulo nga diba.
pakiramdam na may gusto kang gawin at puntahan , pero di mo magawa. kung pakiramdam na gusto mong sumigaw ng malakas para kahit paano gumaan naman yung nararamdaman mo. pero ayaw kong gawin para wala na lang makaalam at makarinig, dahil gusto mong ikaw na lang sa sarili mo ang nakakaalam.
iniisip ko kung ano ba talaga yung pwedeng satisfaction ng isang tao? T_T at ako. di ko rin maisip? dahil pati ang sarili ko, hindi ko ma-satify sa mga bagay na meron ako at pwede kong magawa. napaka komplikado talaga! kung pwede na lang mag laho minsan hehe ^^
maiiwasan ba yung maging malungkot? o minsan nasa tao na lang yun. kung gagawin nya bang hobby ang maging malungkot habang buhay. hala paano ako, may pag ka negative din ako, kadalasan =_= di naman talaga maiiwasan kasi yun, kahit naman sino. magiging masaya ka for a while pero mas marami yung oras na malungkot. pero nan dito pa din ako sinusubukan i- conquer ang bagay na yan :)
lately na tutuwa ako sa twitter. parang freedom wall ko xa :) pwede kong isigaw at ipost lahat ng mga bagay na pwede kong sabihin at kung ano yung nararamdam ko. mas ok nga sana yung wala kang follower na kilala mo in real life you know, para walang pakialamanan sa nararamdaman O_O galit, masaya, confused, bored, horny, sweet, kinikilig at lahat ng feelings pwede kong ipost. hahaha rated yung word na horny .
oh ang tanong na "paano ako magiging masaya" ayan? kahit pala sa maliit na bagay magiging masaya ka pala. its a matter how you deal with it, appreciation is best way to feel better pagkain ng favorite mong food, manuod ng movie, maginig ng music, makita ko yung favorite kong artista ^^, magbasa, kausapin ang sarili, tumingin sa kawalan, may picture, at mag isip ng mga bagay na mag dadala sayo sa panandaliang kasiyahan.
kung masama ang loob mo, mas mabuting ilabas at isulat na lang yan, kinakausap ko sarili ko pag ganyan:) at least may nakakausap ako. personal kong problema at mga bagay na na eencounter ko sa pang-araw araw. tinatanong ko sa sarili ko kung, ano ba ginawa kong mali, insensitive ba ako?, Overacting lang, sensitive ba?, may mali ba? kasalanan ko ba? joke kasi yun ee? tapos bigla na lang ako tatawa at ngingiti mag isa.
minsan iniisip ko kung baliw na ba ako :D katulad kanina sobrang inis ko sa maarteng applicant, napapamura ako T_T nawala na nga ako sa mood kanina pa. sumabay pa -- moral lesson : "minsan sa buhay kailangan natin maging sigurado sa mga desisyon natin, minsan kasi kung kailan na nasa kalagitnaan ka na, saka ka pa susuko at mag babago ng isip. urong sulong at bandang dulo makakaramdam ka ng pag hihinayang. sa totoong buhay, laging talo ang di sigurado" very well said Gilbert haha - sana mapanindigan ko din tong sinabi ko.
napaka komplikado ng buhay talaga.
bahala na nga .you know papa god :)
Labels: random thoughts, reality, this is me