Friday, June 20, 2014
ako ngayon
Posted at June 20, 2014
0 comments (+)
madaming nangyari for the past weeks. and i haven't noticed na mabilis na ding lumilipas ang pa nahon. at ngayon halos kalahati na ng taon ang lumipas. days come so fast! maraming bagay na di mo inaasahan mangyari at may mga bagay din na lumipas na di na pwedeng balikan.
ito na naman ako sa ugali kong puno ng negatibong bagay. nakakatawa at iniisip ko na nga na isa akong bipolar. minsan masaya at kontento pero kadalasan yung pakiramdam ko sobrang baba at halos mahila ako nito sa kalungkutan. mga problema na pag inisip mo, ikaw ang laging tao. minsan isang tao lang yung maka-kwentuhan mo, okay na agad. yung mga alalahanin mo na gusto mong ishare at makahingin ng payo mula isang kaibigan, katrabaho o isang estranghero. yung mga opinyon nila na pwedeng tama at makakatulong sa iyo/akin.
lagi kong iniisip na unfair ang buhay. pero yun naman talaga ang katotohanan. maiaalis ko ba yun sa sarili ko. pwede ko bang punuin na masasayang alaala ang mga buhay ko? kung pwede lang sana. yung wala ka ng problema at malaya ka sa kalungkutan. ang saya ng ganung pakiramdam. pero sa totoong buhay - isa itong masalimot na laro. pag nagpatalo ka sa mga bagay na humihila sa'yo pababa, yun na yung katapusan mo.
syempre di naman puro pahirap ang dala ng buhay. kung mas madalas natin iisipin na masaya at puno ng pag - asa ang buhay, siguro wala ng dahilan para maging malungkot. sana ito lagi kong maisip, yung puro masaya lang at puno ng pag-asa.
dadating din yung panahon na magiging okay ang lahat.
GOD is bigger than my problem. :D
Labels: buhay, reflection