Tuesday, November 10, 2015
I'm lost
Posted at November 10, 2015
1 comments (+)
first, I was okay but suddenly I felt this way again. "that feelings" that I don't want to feel anymore. why is the hell happening to me? really, I'm asking this to myself. seriously it brings a lot of crap on me. I'm worried about everything, about my life, about my future, and tons of issues back in manila. really. I've felt lost and unwanted in so many ways.
Bakit ganoon, hindi ako makuntento kung ano ang meron ako. hinahanap ko yung mga bagay na wala ako. nag-iisip ako ng malayo at pinangungunahan ko ang hinaharap. hindi ko maiwasan na wag mag isip at mag alala ng mga bagay bagay na hindi ko naman dapat iniintindihin. pero hindi ko makuha na wag mag alala, Natatakot ako na baka dumating yung oras na lugmok na ako at hindi naman ako naging masaya.
career wise, right now I felt lost, really - iniisip ko kung bakit hindi ko itinuloy yung pagiging nurse after collage at nung pumasa ako, kaya ngayon ang dami kong regrets. bakit pa kasi kailangan ko unahin yung pera kaysa sa gusto ko kaya ito ako ngayon naliligaw ako. for my past career, ni tingin ko hindi naman ako nag grow as perso. yung apat na taon ko sa accenture eh parang nasayang lang, ni hindi naman ako umangat, tapos biglang shift ako ng work career as nursing aide ang tanong okay ba at worth it? in some points okay naman eh, kaya lang di pa rin maalis sa isip ko na hindi pa din sapat yung kung anong meron ako ngayon since kailangan ko supportahan ang mga kapatid at pamilya ko.
gusto kong maranasan yung maging okay sa lahat, maging stable sa lahat ng bagay. wala naman perpektong buhay, alam ko lahat ng tao may problema pero bakit ako nahihirapan? pakiramdam ko ang unfair, hindi ko na nga nagawa yung gusto ko sa buhay at nag iba na rin ako ng path para lang mag trabaho pero ganoon pa din. yung kaonteng pera na kinikita ko eh hindi pa din sapat para sa amin. ano ba naman yung maging stable ako sa trabaho at maging good provider ako sa bahay pero nahihiya ako sa pamilya ko. hindi ko sila mabigyan ng maganda at komportableng buhay. sarili kong kasiyahan hindi ko na din mahanap sa panahon na ito.
really, siguro sa lahat ng post ko dito sa blog na 'to mabibilang lang kung kailan ako naging masaya. naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Nagdadasal naman ako at nag papasalamat kay God regarding sa mga blessings ko. yes i'm Blessed in so many ways, minsan nga hindi ko nakikita yun at nahihiya ako kay God kasi puro na lang ako reklamo at hindi makontento. maswerte ako at nandito ako sa singapore nakaka pag trabaho pero iniisip ko hindi pa din sapat. ang dami kong gustong gawin sa buhay. ang dami king plano na hindi ko alam sa magsisimula. pag mag iisip ako ng plano at mag sisimulang maghanap ng way bigla naman mawawala yung kaonte kong pag asa. sabi naman ni abby kaya daw ako ganito kasi feeling ko wala akong makakapitan. siguro tama sya ni taong mag mamahal sakin wala nga eh. yung taong pwede kong makasabay mangarap at bumuo ng buhay. sa ganitong aspeto din alam ko naliligaw na din ako. nahihirapan na din ako makabalik at natatakot akong baka maiwan ako at manatili na lang doon.
I think I was challenged by God. Iniisip nya kung hanggang saan ako tatagal. alam ko pag subok lang to malalagpasan ko to. magiging matatag ako. aasa at patuloy akong mangangarap :)
Please gusto ko mawala lahat ng agam agam sa puso ko.
Labels: career, life, ofw, reflection, tagalog